-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Umabot na sa tatlo ang patay sa pag-araro ng sasakyan sa nag-vigil sa may P-3, Barangay Doongan nitong lungsod ng Butuan kahapon sa alas 4:00 ng madaling araw. Ito ay matapos pumanaw na ang isang 17 taong gulang na una nang dineklarang kritikal.

Nakilala ang biktima na si Jay Villamor Rosales na residente rin sa nasabingg lugar. Una nang dineklarang namatay sina Glen Gabriel, 34-anyos, binata at Richard Dalogdog Villamor, 27-anyos, may live-in partner na parehong taga P-3, Brgy.Doongan sa nasabing lungsod.

Maalalang habang dumalo sa lamay ang mga biktima bigla na lang itong inararo ng Toyota Hilux Pick-up color gold na may plate number naTOD-814 at minamaneho ni Alexcel Sanchez Timbang, 37-anyos, isang Marketing Supervisor sa isang Liquor Company na naka-base sa Cabadbaran City, at residente sa P-16, Upper Mandacpan, Barangay San Vicente nitong lungsod sa Butuan.

Walang naitalang sugat ang drayber sa Hilux dahil naka- setbelt ito at nailigtas sa airbag ng kaniyang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing pa sa kompanya ang suspek nang naka-idlip habang nagmamaneho dahilan sa pangyayari.

Nakaditine na ngayon sa BUtuan City Police Station-2 ang drayber habang kinustudiya ang nasasangkot na sasakyan.