-- Advertisements --

Hindi bababa sa 31 katao ang napatay sa pambobomba ng Israel sa Gaza Strip nitong Linggo, ayon sa Palestinian medics. 

Sa halos kalahati ng mga namatay sa northern areas kung saan nagsagawa ng month-long campaign ang army, layon nito aniyang pigilan ang Hamas na mag-regroup. 

Sinabi ng medics na hindi bababa sa 13 Palestenians ang napatay sa magkakahiwalay na pag-atake sa mga bahay sa bayan ng Beit Lahiya at Jabalia, ang pinakamalaki sa walong makasaysayang refugee camp. 

Ang natitira ay napatay sa magkahiwalay na airstrike ng Israel sa Gaza City at sa mga lugar sa timog, kabilang ang isa sa Khan Younis, na ayon sa health officials,  pumatay ng walong tao, kabilang ang apat na bata.

Hindi naman nagkomento ang Israel sa kanilang military actions sa Gaza. 

Samantala, noong Sabado, nagpadala ang Israel militar ng bagong army division sa Jabalia upang sumali sa dalawa pang operating battalions. 

Sa pahayag, sinabi na daan-daang militanteng Palestinian ang napatay sa mga labanan mula nang magsimula ang raid noong Oktubre 5.