Pinabulaanan ni dating Department of Labor and Employment secretary at ngayon ay Manila Economic and Cultural Office (MECO) head Silvestre Bello III na hindi totoo ang napaulat na pansamantalang pagsuspinde sa visa-free entry ng mga Pilipino sa Taiwan.
Ayon kay Bello, agad niyang nilinaw ito mula kay Taiwanese representative to the Philippines Michael Pei-Yung Hsu nang kaniyang marinig ang naturang report at inihayag na posibleng nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan o misunderstanding sa anunsiyo ng Taiwan.
Saad ni Bello na marahil ay kasunod na rin ng pag-anunsiyo ng Taiwan na visa-free entry para sa mga bansa sa Europe, US , UK at Canada subalit hindi nabanggit ang Pilipinas.
Tinawag din ng ambassador ng Taiwan sa Pilipinas na false rumor ang nasabing report.
Sa notice na inilabas kasi ng Taiwan Bureau of Consular Affairs (BOCA) noong Setyembre 5, sinabi nito na ipagpapatuloy ang visa waivers para sa nasabing mga bansa simula sa Lunes, Setyembre 12.
Subalit nakasaad din sa notice na “pansamantalang suspensyon” lamang ng visa-free entry para sa Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei, Russia kabilang Pilipinas.