![typhoon karding](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/09/typhoon-karding.webp)
Umakyat na sa 12 ang bilang ng mga namatay matapos manalasa sa bansa ang bagyong Karding.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), maliban sa mga namatay anim din ang napaulat na nawawala.
Ang mga namatay naman ay mula sa Central Luzon at Calabarzon.
Sa 12 namatay ay walo na rito ang verified.
Lima sa mga namatay ay ang mga rescuers mula sa San Miguel, Bulacan matapos malunod.
Isa rin ang napaulat na nalunod sa Baliuag, Bulacan at Zambales maging sa Burdeos, Quezon.
Ang kinakailangan namang berepakahing mga namatay ay kinabibilangan ng dalawang namatay sa Tanay, Rizal dahil sa pagkalunod.
Isa rin ang nalunod sa Antipolo at Rizal na hindi pa nabeberipika.
May namatay din sa Zambales dahil umano sa motorcycle accident.
Ang anim namang nawawala ay mula sa Bicol at Calabarzon habang 52 ang napaulat na Central Luzon at Calabarzon.
Sa ngayon, nasa 911,404 katao o 245,063 families ang apektado ng bagyong Karding mula sa 1,759 barangays sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Cordillera.
Nasa 3,955 persons o 921 families naman ang nananatili pa rin sa loob ng 27 evacuation centers habang ang 43,860 individuals o 8,951 families ay nasa ibang lugar.