Nagbitiw sa kaniyang puwesto si National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner Edilberto Leonardo matapos na ito ay ma-cite in contempt ng House Quad Committee dahil sa umanoy pagsisinungaling.
Kinumpirma ni NAPOLCOM vice chairperson Alberto Bernardo sa harap ng mga mambabatas ang pagbibitiw ni Leonardo.
Hindi naman binanggit nito kung mahaharap ba sa administrative case si Leonardo.
Dadag pa nito na kaniyang kakausapin ang ilang mga commissioners at kanilang ipapaalam sa Office of the President sa pamamagitan ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung sila ba ay magsasagawa ng administrative investigation.
Magugunitang inatasan ng Quad Committee na makulong sa Batasang Pambansa Complex sa lungsod ng Quezon si Leonardo matapos na itanggi nito ang pakikipagpulong bago ang pagpaslang sa tatlong Chinese drug convicts sa Davao Prison at Penal Farm noong Agosto 2016.
Ang nasabing pagpupulong aniya ay naganap sa Davao City Criminal Investigation and Detection Group Office na dinaluhan noon ni Davao Prison and Penal Farm Chief Gerardo Padilla at retired police colonel Royina Garma pero nagmatigas si Leonardo at sinabing walang naganap na anumang pagpupulong.