Nagpahayag ng suporta ang pamunuan ng National Police Commission sa isinasagawang imbestigasyon ng PNP- -Internal Affairs Service sa ilang pulis ng QCPD.
Ilan kasi sa mga opisyal ng Quezon City Police District ay naharap sa ilang mga reklamo.
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chair at Executive Officer Atty. Rafael Calinisan, kumpyansa ito sa kakayahan ng Internal Affairs Service ng PNP sa pagresolba ng kasong ito.
Maaalalang nagkasa ng pre-charge investigation ang Internal Affairs Service laban sa ilang opisyal ng QCPD matapos nitong payagan na makalabas sa detention ang isang babaeng detainee.
Isang pulis rin ang iniimbestigahan dahil sa paghaharass umano nito sa ilang residente sa Brgy. Damayan sa lungsod.
Umaasa ang opisyal na mabibigyan rin ng Internal Affairs Service ng due process ang isinasagawa nitong imbestigasyon sa ilang pulis ng QCPD.