-- Advertisements --

Pabor umano si NAPOLCOM Vice Chairman Vitaliano Aguirre na ipawalang bisa din ang 1992 DILG at University of the Philippines Accord.

Ayon kay Aguirre tama lang ang desisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkansela sa 1989 DND-UP accord dahil ang mga kasunduan na sobrang matagal na ay hindi na naayon sa kasalukuyang sitwasyon.

Aminado rin ang opisyal na may mga estudyante ng UP ang nare-recruit ng NPA para mamundok at humahantong sa pagkamatay sa engkwentro laban sa militar.

Naniniwala rin si Aguirre na hindi nilabag ang academic freedom sa ginawa ng DND ang pagpapawalang bisa sa nasabing kasunduan.

Samantala, sa panig naman ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, hinihintay nila ang maging tugon dito ng Department of Interior and Local Government (DILG).

“So katulad ng ibang kasunduan ganyan din sa treaty e, kung minsan kasi ang treaty although pinagkasunduan ng dalawang bansa. Pagkalipas ng matagal na panahon hindi na naayon dun sa circumstances kaya possible na yung isa o dalawa sa nakapirma sa agreement na yun ay mag-withdraw because the circumstances are no longer, no longer calls for it,” ani Aguirre. “Eh alam naman natin na, di naman lingid sa atin na talagang napakarami at yun ngang ibang mga magulang ay nagpoprotesta na gawa ng nalalaman lamang nila yung anak nila ay namatay na, yun pala hindi nila alam na sumama na pala sa mga nagrerebelyon laban sa gobyerno. So, I believe that academic freedom, yung academic freedom naman ay wala akong nakikita na makakaapekto yung move ni Sec Lorenzana sa academic freedom.”