Hinatulang guilty ng Sandiganbayan First Division ang negosyanteng si Janet Lim Napoles, dating Congressman Constantino Jaraula at tatlong iba pa dahil sa graft malversation of public funds.
Ang nasabing kaso ay may kaugnayan sa pork barrel scam.
Kasama nina Napoles at Jaraula sina Maria Rosalinda Lacsamana, Belina Concepcion at Mylene Encarnacion.
Unang hinatulang makulong ng mula anim hanggang 10 taon sina Napoles dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act habang ang pagkakulong mula 12 hanggang 18 taon dahil sa malversation of public funds.
Inatasan din sila ng korte na ibalik sa gobyerno ang P28.8 million at sila ay diskwalipikado na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.
Bukod sa graft malversation ay hinatulang guilty si Jaraula dahil sa direct bribery may pagkakulong ng hanggang siyam na taon at multa na P6 million.