Inalmahan ni Sen. Richard Gordon ang lumutang na data record ni Janet Lim-Napoles, na nagsasabing pasok din ito sa good conduct time allowance (GCTA).
Matatandaang nakulong si Napoles sa Correctional Institution for Women (CIW) dahil sa kasong serious illegal detention at partisipasyon sa pork barrel fund scam.
█ ‘Detalye ng ‘hospital pass for sale’ sa Bilibid, ilalahad ng hawak kong testigo’ – Sen. Go
Pero sa record ng binansagang “pork barrel queen,” lumalabas na “rape” ang kaso nito.
Ayon kay Gordon, nakakadismaya ang ganitong trabaho ng Bureau of Corrections (BuCor).
Maliban dito, natukoy din ang ilang maling entry sa record ng iba pang bilanggo.
May magkakapareho ring pangalan ngunit magkakaiba ang detalye ng kanilang mga kaso.
Sa panig ng DoJ, dapat maimbestigahan ito at saka na lamang sila magbibigay ng iba pang komentaryo.