Bagama’t tila biyaya para sa ilan ang naranasang pag-ulan kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila, ay naging perwisyo naman ito sa ilang lugar sa rehiyon.
Ito ay matapos na magdulot ng pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila ang nangyaring pag-ulan kahapon ilang lugar na nagresulta naman sa pagkaka-stranded ng ilang mga indibiwal.
Sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority, nagdulot ng gutter deep na baha ang naturang pag-ulan sa bahagi ng Kamias-Kamuning area sa EDSA.
Gayundin sa ilang bahagi ng Sgt. Esguerra Avenue, at Scout Tuazon sa Quezon City kung saan naranasan din ang gutter deep na pagbaha dulot ng biglaang buhos ng ulan.
Ayon sa isang state weather bureau, nakaranas ng heavy to intense na pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat, at malakas na simoy ng hangin ang naranasan kahapon sa ilang bahagi ng Metro Manila, kabilang na sa Quezon City, Pasig, Mandaluyong, San Juan, Caloocan, at Marikina na naranasan din ito sa ilang bahagi ng Nueva Ecija, Zambales, Tarlac, Bulacan, Quezon, at Rizal.
Habang moderate to heavy rain showers naman na may kasama rin na kulog, kidlat, at malakas na hangin ang naranasan sa ilang bahagi ng Pampanga, Cavite, Batangas, Bataan, at Laguna.