Nagpapakita ng pangangailangan para sa mga pagpapabuti sa paliparan ang naranasang technical issue sa Ninoy Aquino International Airport (NAI) na nagpatigil sa biyahe at nagdulot ng maraming standed na pasahero sa Araw ng Bagong Taon.
Ito ang inihayag ni Philippine Chamber of Commerce and Industry President George Barcelon.
Ayon kay Barcelon, nagdulot at nag-iwan ng pagkadismaya sa mga foreign travelers ang nangyaring delay.
Naniniwala siya na ang nangyaring insidente ay magdulot ng negatibong impact sa imahe ng bansa.
Dahil dito, umaasa si Barcelon na magsisilbi itong “wake up call” sa pamahalaan na panahon na upang pagbutihin ang airport ng bansa lalo pa’t sa pinakahuling survey ay nakakuha ito ng maliit na score.
Nauna nang iniulat ng Civil Aviation Authority’s Air Traffic Management Center na nakaranas sila ng technical issue noong January 1 ngunit naibalik na ng alas-5:00 ng hapon sa kaparehong araw.
Ang air navigation system na ginagamit ng aviation authorities na siyang mag-monitor sa lokasyon ng mga eroplano at magmandato ng trapiko ay nai-upgrade at inilunsad noong taong 2018.