Patay ang isang pulis na umanoy sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga, matapos makipag sagupaan sa kapwa pulus sa Paluan, Occidental Mindoro kahapon, July 21,2018.
Ang operasyon ay ikinasa ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) matapos ma-validate ang intelligence reports ukol kay PO3 Marco Hashim Alegre.
Si Alegre ay supplier umano ng droga sa mga lugar kung saan ang mga lugar ng kaniyang assignment.
Ayon kay PNP CITF chief PSSupt. Romeo Caramat, isang operatiba ang nagpanggap na poseur buyer kung saan bumili ito ng iligal na droga sa halagang P1,000.00 kay Alegre.
Pero nakaramdam umano ang nasabing narco-cop na kapwa pulis din ang kaniyang nabentahan, nanlaban ito ng arestuhin na sana ng mga kapwa pulis.
Si Alegre ay kabilang sa listahan ng Occidental Mindoro’s high value targets at nag AWOL ito mula nuong August 2016 pero bumalik ito sa active duty sa MIMAROPA police headquarters nuong buwan ng
Mayo ng kasakukuyang taon.
Walang CITF operatives naman ang nasagutang sa nangyaring shootout.