Nilinaw ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi siya sang-ayon sa panukalang pagsasapubliko ng listahan ng mga pulitikong sangkot umano sa iligal na droga o narco-list bago ang halalan.
Kung si PDEA director general Aaron Aquino umano ang tatanungin, mas mabuting pagtuunan na lang ng pansin ng kanyang hanay ang paghahanda sa isasampang kaso sa mga akusadong opisyal.
Nauna ng ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government Sec. Eduardo Año ang paglalabas sa narco-list, pero pinalagan ng ilang tanggapan gaya ng Commission on Human Rights at Commission on Elections.
Sinabi na rin ni Philippine National Police chief director general Oscar Albayalde na nasa kamay pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon hinggil sa usapin.