Kapwa nag susuportahan ang mga narco politicians at ang Maute terror group.
Ito ang kinumpirma ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa na pareho ang report na nakuha nila at ng militar kung saan ang nasa likod sa grupong Maute ay mga narco-politicians na naimpluwensiyahan ng teroristang grupo.
Giit ni Dela Rosa na double classification ng Maute kung saan ISIS inspired ang mga ito at mga narco-politicians ang sumusuporta sa grupo.
Inihayag ng PNP chief na bago pa siya nag assume sa pwesto ay may natanggap na silang impormasyon na nagsipuntahan sa Marawi city ang mga drug lord at nagkaroon drug summit kung saan nagpahayag ng pagsuporta ang mga ito sa Maute.
Sinabi ni Dela Rosa na hanggang sa ngayon hindi pa nila na e established ang suporta na natatanggap ng Maute sa ISIS.
Ibinunyag din ni Dela Rosa na subject din ng kanilang operasyon ngayong Martial law ay ang mga narco-politicians doon na nakipag alyansa sa Maute terror group.
Samantala pinasinungalingan ng heneral na dating mga pulis ang magkapatid na Maute na sangkot sa iligal na droga.
Sinabi ni Dela Rosa na hindi totoo ang report na inatake ng Maute ang Marawi City dahil ni raid ng PNP ang kanilang shabu laboratory sa Lanao del Sur.
Malamang nagpapanggap lamang na pulis ang magkapatid na Maute.
Sa kabilang dako dahil sa sobrang pagkadismaya sa mga police scalawags nasagi sa isip ni PNP chief na plano niyang ipadala ang mga police scalawags sa Marawi city para tumulong sa labanan ngayon.