BUTUAN CITY – Bumuhos ang mga investors ng investment scam na Forex Trading ang tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Caraga) kahit na special non working holiday kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni CIDG-Caraga chief Lt. Col. Cholijun Caduyac, naalarma sila sa umaabot sa 60 katao na nagsadya sa kanilang tanggapan dahil sa kautusan ng city prosecutor’s office na nagresolba umano sa nakakustodiya sa kanila na P23 milyon cash na ipinapabalik kay Dembir Dela Cruz Celis, ang founder ng investment scam, bagay na kanilang ikinagulat.
Dahil dito nagsumite na sila ng motion for reconsideration laban sa mandato ng piskalya at dudulog din sila sa Special Assistant to the President at sa Securities and Exchange Commission upang ito ay ikunsulta.
Una rito ni-raid ng CIDG noong Hunyo 17, 2019 ang Beach Resort sa District 2, Brgy. Cubi-Cubi, Nasipit, Agusan del Norte kung saan nagsagawa ng pay-out sa mga miyembro na nag-invest sa Forex Trading.
Dito na nakumpsika ng mga otoriadad ang malaking halaga ng pera.