-- Advertisements --
Pansamantalang ititigil ng Nas Academy ang kanilang operasyon sa bansa.
Kasunod ito sa nangyaring anomalya kinakaharap nila sa kontrata sa tradisyonal tattoo artists na si Whang-Od.
Isinagawa ang anunsiyo sa kanilang Facebook post kung saan saan marami ang hindi nakaintindi ng tama sa kanilang intensyon.
Handa aniya silang makipagtulungan sa National Commission on Indigenious People (NCIP) para matiyak na lahat ng mga tamang proseso ay nasusunod.
Tiniyak din nila na babalik sila muli sa mga susunod na mga panahon para magturo sa mga Pilipino.