-- Advertisements --
Nasa 15 katao ang nasawi sa naganap na pamamaril sa isang unibersidad sa Prague.
Naganap ang insidente sa philosophy building ng Charles University sa central Prague.
Napatay din ng mga otoridad ang suspek.
Dahil sa insidente ay isinara ng mga otoridad ang ilang kalsadang kalapit sa lugar at maging sa unibersidad.
Kinansela na rin ni Prime Minister Petr Fiala ang kaniyang mga lakad sa lugar dahil sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa insidente.