-- Advertisements --
Aabot sa halos 10,000 mga batang edad lima hanggang 11-anyos ang nabakunahan sa unang araw ng initial rollout ng COVID-19 vaccination sa naturang age group kahapon, Pebrero 7.
Ayon sa Department of Health (DOH), sa 32 sites na inilaan para sa bakunahan sa naturang mga bata, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 8,784 kabataan ang nabakunahan kahapon.
Isang kaso naman ang naitala na nakaranas ng adverse reaction kasunod nang COVID-19 vaccination.
Ito ay isang bata na 11-anyos, na nakaranas nang pantal sa kanyang braso, pero na-manage din naman kaagad sa vaccination site pa lang bago ito pinauwi pagkatapos.
Nauna nang sinabi ng DOH na target nilang makapagbakuna ng 15 million bata na edad lima hanggang 11-anyos.