KALIBO, Aklan – Dumating sa lalawigan ng Aklan ang nasa 116 pang repatriated overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon Jr., ng Provincial Health Office (PHO)-Aklan, 41 sa mga ito ay sakay ng barko habang ang 75 ay sakay ng tatlong sweeper flights via Manila-Iloilo, kung saan sinundo sila ng dalawang bus na kinuha ng lokal na pamahalaan ng Aklan para sa kanilang pag-uwi.
Kasalukuyang naka-hotel quarantine ang naturang mga land-based at sea-based OFWs at agad na isailalim sa repeat test, kung saan, ang specimen samples ay ipapadala sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo City para sa confirmatory result.
Nabatid na bago pinayagang maka-uwi ay bitbit na ng mga ito ang dokumento na nag-negatibo sila sa RT-PCR test sa Maynila.
Ang mga ito ay nagpa-repatriate kasunod ng epekto ng COVID-19 sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
Inaasahang sa mga susunod na araw ay mayroon pa mga OFWs na uuwi sa Aklan.
Samantala, muling nakapagtala ang Aklan ng panibagong kaso ng COVID-19 mula sa mga naunang dumating nga repatraited OFW’s