Binigyang-diin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nasa 138 metric tons ng basura ang nakolekta sa mga cleanup operations sa Manila Bay mula Hulyo 1 hanggang Agosto 5.
Ayon sa MMDA sa isang pahayag, kasama sa kabuuang nakolekta ang mga basurang natangay sa baybayin ng Manila Bay.
Ito ay dahil sa malakas na ulan na dala ng ilang mga bagyo at epekto ng habagat nitong mga nakaraang linggo.
Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging responsable sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang mga basurahan at ugaliin din ang pag-recycle ng basura upang maiwasan ang akumulasyon ng basura.
Dagdag ng MMDA, Iwasan ang pagtatapon kung saan-saan na maaaring mapunta sa Manila Bay.
Kung matatandaan, sinuspinde kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyekto sa reclamation ng Manila Bay habang nananatiling nakabinbin ang pagsusuri ng gobyerno.