-- Advertisements --

NAGA CITY – Aabot sa 15 miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nakasagupa ng 85th IB, 2ID, Phil Army sa Catanuan Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng COPLAN ALIMOKON ang tropa ng mga sundalo ng makasagupa ng mga ito ang aabot sa 15 mga armadong miyembro na pinaniniwalaang rebeldeng groupo.

Batay sa report nagtagal ang naturang engkwentro ng halos dalawang minuto.

Una umanong sumuko ang naturang mga rebeldeng grupo papunta sa norte.

Habang na-recover dito ang isang 5kg anti-personnel landmine, isang 40mm ammo, 40 meter wires, dry cell batteries, at water containers.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.