Labis na ikinatuwa ng mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Western Visayas ang niapamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga certificate of land ownership award (CLOA).
Ang pamamahagi ng 1.500 land ownership award ay pinangunahan mismo ni Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III.
Kinabibilangan ito ng certificate of land ownership award at e-titles sa mga benepisyaryo sa isinagawang seremonya sa Passi City, Iloilo.
Ayon sa Department of Agrarian Reform, katumbas ito ng mahigit sa 1,600 ektarya ng lupa na ipinamahagi sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project.
Sinabi ni Sec. Estrella na alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pabilisin ang pamamahagi ng lupa, at paigtingin ang mga suportang serbisyo sa mga ARB.
Bukod sa pamamahagi ng mga titulo ng lupa, nagkaloob din ang DAR ng farm-to-market roads (FMRs) na nagkakahalaga ng P100-M, at farm machineries sa mga ARB Organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Iloilo.
Kaugnay nito, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DAR sa iba pang ahensya tulad ng Department of Health (DOH) para magbigay ng tulong medikal sa mga ARB, at sa Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para magkaloob ng scholarship sa ang mga anak ng mga ARB.