DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang evaluation ng City Social Services and Development Office (CSSDO) sa mga biktima ng nangyaring sunog sa Rose St. kasilak Brgy. 76-A nitong lungsod kung saan nasa 18 mga bahay ang tinupok ng apoy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Davao kay SFO4 Ramil Gillado, investigation chief ng BFP-Davao, nagpapatuloy pa ngayon ang kanilang ginagawang imbestigasyon kung saan nagmula ang sunog at ang dahilan nito.
Sinasabing mabilis kumalat ang apoy dahil halos lahat ng bahay sa nasabing lugar ay gawa lamang sa mga light materials.
Halos walang nakuha rin na mga gamit ang mga residente dahil sa bilis ng pangyayari.
Sa kasalukuyan, nasa Barangay Gym sa nasabing lugar ang mga apektadong residente at tiniyak naman ang pagpapatupad ng social distancing lalo na at patuloy pa ngayon ang kaso ng Covid-19 sa lungsod.