-- Advertisements --
Greco Belgica
PACC COMM BELGICA/ FB IMAGE

Aabot sa 13 hanggang 20 na dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang isasailalim sa lifestyle check ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para malaman kung nakinabang sila sa sinasabing korupsyon sa loob ng PCSO.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica, isasama na nila maging ang mga miyembro ng board noong nakaraang taon simula nang umupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Belgica, idinagdag nila ang mga dating opisyal dahil hindi lang naman ngayon nangyari ang sinasabing korupsyon sa PCSO.

Inihayag ni Belgica na mula sa mataas na opisyal na may access sa mga kontrata at pera hanggang sa mga technical positions na humahawak sa mga makina at computer ay kasama nila sa mga ila-lifestyle check.

Isusumite raw nila kay Pangulong Duterte ang kanilang findingsat sa Office of the Ombudsman para sa posibleng paghahain ng kasong kriminal laban sa kanila.