-- Advertisements --

Mayroong 20 vloggers ang binabantayan ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sangkot sa mga pagpapakalat ng fake news sa internet.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, na dalawa sa mga dito ay mayroon ng arrest warrants.

Habang ang isa ay nakabase sa US kung saan pinag-aaralan na ng NBI ang pagsampa ng kaso laban sa mga dito.

Giit ni Santiago na pasok sa kasong cyber libel at inciting to sedition dahil sa lumagpas na ang mga ito sa freedom of speech at expression.

Kinumpirma din ito na mayroon ng ugnayan sa kanila ang Malakanyang para tuluyang malabanan ang paglaganap ng fake news.