Tinatayang nasa 2,000 lamang na mga bisita ang inimbitahang dumalo sa inaabangang inauguration ng bagong presidente ng Amerika mamayang madaling araw na si Joe Biden.
Kasama sa naturang bilang ang nasa 200 mga VIPs na kinabibilangan ng pamilya nina Biden at Vice President-elect Kamal Harris, mga congressional leaders at ilang diplomats.
Patuloy namang nakikiusap ang inaugural commitee na ‘wag umatend ng personal ang mga tao sa US Capitol at sa halip ay mag-abang sa virtual livestream.
Sinasabing may ipinamigay na libreng tickets ang mga congressional offices pero limitado lamang sa isa nilang bisita, at bawal ang mga constituents.
Liban sa banta ng COVID nagpadagdag pa ang tensyon sa umano’y bantang armed protests.
Kung tinatayang humigit kumulang sa 2,000 lamang katao ang imbitado noong inagurasyon ni President Barack Obama noong taong 2009 nasa kahating milyong katao naman ang mga bisita.