Nasa 30 warden ng Bureau of Corrections (BuCor) ang iniimbestigahan matapos silang matagpuang sangkot sa paghawak ng pera ng mga persons deprived of liberty (PDLs), ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr.
Ito ay matapos ihayag ni Catapang na kinumpiska ng Bureau of Corrections ang mahigit P300,000 cash na ibinigay sa mga jail guard at tauhan para sa pag-iingat ng mga persons deprived of liberty o PDL.
Ayon kay Catapang, inaalam pa nila kung saan dapat gamitin ng mga persons deprived of liberty o PDL ang perang ito.
Dagdag dito, ang mga nakumpiskang pera ay inilagay na din sa ilalim ng kustodiya ng mga awtoridad.
Dahil dito, iginiit ni Catapang na magpapatupad ang Bureau of Corrections ng mga reporma kaugnay sa pagbibigay ng pera sa mga persons deprived of liberty.