Pumalo na sa 287 miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa serbisyo dahil napatunayang sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Presidential Communication Office Assistant Secretary Atty Marie Rafael karamihan sa mga sinibak ay mga miyembro ng Philippine National Police sinusundan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Aniya ang datos na ito ay naitala mula July 1, 2016 hanggang Oct 31, 2018.
Bukod sa halos 300 mga nadismis sa serbisyo na may koneksyon sa iligal na droga umabot na rin sa 130 na mga tauhan ng Law enforcement agencies ang sinibak dahil sa pagkakasangkot sa ibat-ibang katiwalian.
Ibinunyag ang mga nasabing datos sa isinagawang presscon ng PNP, PDEA at Presidential Communication Office sa pamamagitan ng #realnumbersph year 2 sa Camp Crame.