DAVAO CITY – Patuloy ngayon na ino-obserbahan ang kalagayan ng ilang mga residente ng Caraga Davao Oriental matapos makaranas ng diarrhea outbreak sa lugar.
Nabatid na marami ang dinala sa mga evacuation center matapos makaranas nga pananakit ng kanilang tiyan.
Sinasabing nasa 300 na mga indibidwal mula siyam na mga Sitio sa Barangay Santiago sa nasabing lalawigan ang patuloy ngayon na inoobserbahan.
Una ng sinabi ni Dr. Chris Anthony Limen, Caraga municipal health officer, na nakakaalarma ang nasabinng insidente lalo na at mabilis umano ang pagtaas ng mga nagka-diarrhea kung saan sa loob lamang ng halos 48 oras, nasa 150 na ang naitala.
Maliban sa Sitio Atipo, marami rin umano ang nagkakasakit sa barangay Sitio Lower Mansanas na nasa 110 na mga kaso.
Iniimbestigahan na rin ngayon ang impormasyon na may isa umanong namatay sa Barangay Santiago dahil sa dehydration.
Pinagbawalan muna ngayon ang mga residente na uminom sa kanilang mga faucet matapos makumpirma ng Davao Oriental provincial health office na kontaminado ito ng cholera.
Nanawagan rin ngayon ang local health office ng dagdag na mga health personnel para tumulong sa mga nabiktima.
Dahil sa dami ng mga pasyente temporaryo muna na naka-convert ang COVID-19 quarantine facility sa infirmary.
Bagaman sinabi ng Caraga Caraga Health Center sa nasa “stable.” ang kondisyon ng mga pasyente.