TACLOBAN CITY – Aabot sa 282 myembro at supporters ng Communist Party of the Philippine New People’s Army (CPP- NPA ) ang sabay-sabay na sumuko sa militar sa Silvino Lubos, Northern Samar at nangakong magbabalik loob na sa pamahalaan.
Ayon kay Lt. Col. Fernando Engcot, commander ng 19th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga nagsurrender ay galing sa labing-anim (16) na barangay sa Silvino Lubos kung saan animnaput lima (65) ang nasa Batakang Organisasyon ng Pampartido (BOP), animnaput lima (65) din ang Milisyang Bayan (MB) at 152) ang myembro ng Legal na Organisadong Masa (LOM).
Ito daw ay bunga ng kanilang mas pinalakas na peace consultations at dialougues ng simulan nila ang deployment ng Community Support Program (CSP) team sa mga geographically disadvantage isolated areas (GIDA) noong nakaraang Marso.
Ayon pa kay Engcot na ang pagsuko ng mga party members ng CPP at kanilang mga sympatizers ay isang pagpapatunay mahina na ang mga rebelde at wala ng natatanggap na suporta ang komunistang grupo galing sa masa.
Samantala, sasailalim sa validation ang mga sumukong indibdwal upang makatanggap sila ng cash at livelihood assistance sa ilalim ng Enhance Comprehensive Local Integration Program (E- CLIP) ng gobyerno.