Aabot sa 37,000 barangay sa bansa ang nakapag-comply na sa direktiba na ilathala sa mga pampublikong lugar ang listahan ng mga benepisyaryo ng COVID-19 emergency subsidy program.
Sa kanyang ika-walong lingguhang report sa Kongreso, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na 36,699 barangays ang nakapag-post ng listahan ng mga benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP).
Hangad ng direktiba na ito na matiyak ang transparency sa pagpapahatid ng cash aid sa 18 million low-income families na target beneficiaries ng emergency cash subsidy na P5,000 hanggang P8,000 alinsunod sa Bayanihan to Heal as One Act.
Nabatid sa report ng Pangulo na 1,370 sa 1,634 local government units nationwide ang nagawang makumpleto ang pagpapahatid ng first tranche ng cash aid sa itinakdang deadline noong Mayo 10.
Samantala, sinabi ng MalacaƱang na sa second tranche, 12 million low-income households sa ilalim ng enhanced community quarantine ang bibigyan ng tulong pinansyal.
Bukod dito, papahatiran din ng cash aid ang 4.9 million pamilya na hindi nakatanggap ng financial assistance sa first tranche SAP.