-- Advertisements --

NAGA CITY- Umabot sa halos 387 katao ang naaresto ng mga otoridad sa 3-day Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa lalawigan ng Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), nabatid na sa nasabing bilang, 18 dito ang mga suspek sa Illegal Drugs kung saan 9.6 grams ng shabu ang nakumpiska.

Maliban dito, 36 katao naman ang sangkot sa iba’t ibang krimen kung saan kasama sa naaretao ang apat na nasa Top 10 Most Wanted Persons habang tatlong mga armas naman ang nakumpiska.

Umabot sa 49 katao naman ang naaresto sa Illegal Gambling, 13 sa Illegal Logging, 52 sa Illegal Fishing at 215 sa paglabag sa mga Municipal Ordinances.

Samantala, mahigpit naman ang pinapatupad na mga polisiya ng kapulisan lalo na sa pagmomonitor sa COVID-19 issues.