-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa 4,000 pasahero ang dadagsa sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ngayong Linggo para makahabol sa biyahe ng bus pauwi sa kanikanilang mga probinsya para sa Holy Week.

Inaasahan ng coordinator ng bus station na mas marami pa sa bilang ng mga pasaherong naitala kahapon na aabot sa 3,600 ang tutungo sa terminal ngayong Palm Sunday.

Gayunman, sinabi rin nitong inaasahan nila ang mas marami pang pasahero bukas Abril 15 o sa darating na Martes.

Nabatid na karamihan sa mga bus sa terminal ay hindi pa naman fully booked, maliban na lamang sa air conditioned na mga bus sa Araneta Bus Port.