-- Advertisements --

NAGA CITY- Umabot na sa 400 na mangingisda ang nabiyayaan ng tulong ng floating community pantry ng Philippine Coast Guard (PCG)-Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lt. Ailene Abanilla, station commander ng naturang ahensiya, sinabi nito na una nang napuntahan ng mga tauhan ng PCG ang mga banwaan ng Camaligan, Gainza, Milaor, Canaman, Pasacao at Tinambac sa naturang lalawigan.

Ayon kay Abanilla, nabibigla umano ang mga mangingisda ngunit masaya naman ng mga itong tinanggap ang naturang tulong.

Bukas ay nakatalaan namang pupuntahan ng PCG-CamSur sa pamamagitan ng kanilang floating community pantry ang Barangay Sabang sa bayan ng San Jose.

Kung maaalala, Abril 26, sa kasalukuyang taon ng ilunsad ng ahensiya ang floating community pantry kasunod ng mga nagsusulputang community pantries.

Samantala, maliban dito, patuloy din ang isinasagawang community feeding program at coastal at river clean-up sa bisinidad sa buong lalawigan ng Camarines Sur.