-- Advertisements --

NAGA CITY- Inaasahan na sa buwan ng Hulyo ang pagdeliver ng mga biniling bakuna ng lungsod ng Naga.

Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sa pagharap nito sa mga kagawad ng media, sinabi nito na aabot sa 50,000 vaccine ng COVAXIN ang nakatalaang dumating sa lungsod.

Ayon kay Legacion, maliban dito, humingi rin ng dagdag pang bakuna ang lungsod mula sa Department of Health.

Binigyang-diin kaya ng alkalde na kinakailangan ng lungsod ng dagdag na COVID-19 vaccine lalo na ngayon na nasa ilalim ito ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Kung kaya, humingi na rin ang LGU ng dagdag na bakuna mula sa Department of Health gayundin sa opisina ni Vice President Leni Robredo.

Maliban dito, pag-uusapan din sa Sangguniang Panlungsod ang pag-reversion ng local development fund para gawain na lamang na pondo pabili ng mga bakuna.

Napag-alaman na nasa P40-50 milyon na pondo ang inaasahang ma-gegenerate ng lungsod para sa dagdag na procurement ng mga bakuna laban sa COVID-19.