LEGAZPI CITY – Nakasentro ngayon ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga unibersidad sa Pilipinas na gustong magsagawa ng limited face-to-face classes kahit nasa pandemya pa.
Nasa 50 unibersidad ang binibisita at ini-evaluate ngayon ng tanggapan, batay sa kumpirmasyon sa Bombo Radyo Legazpi ni CHED chairman Prospero de Vera.
Ayon kay de Vera, kasama sa mga unang pinayagan ay ang UP, UST, St. Louie, Ateneo at iba pa na lahat ay nag-aalok ng medical-related courses.
Batay kasi ito sa kautusan at approval ni Presidente Rodrigo Duterte.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga medical at allied health programs pa lamang ang pinapayagan sa pagsasagawa ng limited face-to-face classes.
Subalit kumpiyansa si de Vera na kung maganda ang pagpapatupad ng guidelines, maaaring palawigin pa ito sa ibang course.
Katunayan, isang buwan matapos ang implementasyon nito sa UP, zero case pa rin ang naitala habang hinihintay ang iba pang paaralan.
Binigyang-diin pa ng opisyal na nangangailangan ng hands-on training ang mga estudyante na may clinical rotation upang makuha ang karampatang skills na kailangan.