KALIBO, Aklan – Sinimulan na ng Provincial Health Office ang pagsasagawa ng intensified community testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lahat ng mga residente ng Purok 1, C. Laserna St. Kalibo, Aklan.
Ayon kay Dr. Cornelio Cuatchon Jr. ng PHO-Aklan, pitong team ang kanyang binuo na pinangungunahan ng mga tauhan ng Molecular Diagnostic Laboratory ng Aklan Provincial Hospital na kumuha ng swab specimen sa nasa 500 mga indibidwal na may edad lima pataas.
May kakayahan umano ang laboratory na magsagawa ng 500 hanggang 600 tests bawat araw.
Ang mga makitaan ng sintomas ay agad na dadalhin sa itinalagang facility quarantine.
Dahil umabot na sa 26 ang positibong kaso sa naturang lugar ay maari umano itong makonsiderang second wave ng sakit sa lalawigan.
Nananatiling naka-hard lockdown ang lugar na sinimulan noong Nobyembre 20 at nakadepende sa resulta ng swab test kung maagang itong tatanggalin.