-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Naging regular na sa kanikanilang mga trabaho ang mahigit 6,000 na mga empleyado sa Bicol sa ilalim ng kampanya ng ahensya kontra kontraktwalisasyon o “endo.”

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Joana Vi Gasga, tagapagsalita ng DOLE Bicol, 3,700 sa naturang mga empleyado ang kusang na-regularize ng kanikanilang mga employers.

Nasa 2,000 naman ang sumailalim sa inspeksyon ng DOLE.

Ayon kay Gasga, patuloy ang kanilang mahigpit na pagbabantay laban sa endo kaya naman walang humpay ang kanlang pag-iikot sa mga establisyemento at mino-monitor ang sitwasyon ng mga empleyado.

Nagbanta rin ang ahensya sa mga pasaway na employers na hindi sumunod sa kautusan ng pamahalaan.

Samantala, nilinaw naman ng opisyal na hindi inoobliga ang employers sa agarang regularization ng kanilang mga empleyado dahil mayroon namang anim na buwang probationary period na ipinapatupad.