-- Advertisements --
Aabot sa halos 600 na mga motorista ang hinuli ng Quezon City Goverment dahil sa pagharang sa bike lanes.
Nakasaad kasi sa QC Cycling and Active Transprt Ordinances na pagmumultahin ang mga motorista na gagamit ng mga bike lanes.
Sinabi ni Quezon City Traffic and Transport Management head Dexter Cardenas na mayroong multa na P1,000 para sa mga motoristang lalabag sa unang pagkakataon, P3,000 para sa second offense at P5,000 para sa third offense.
Habang P300 ang multa na ipapataw sa mga pumapasadang pedicab na gumagamit ng bike lanes o isang araw na community service.