Kabuuang 6,949 pasahero, drivers, at cargo helpers ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa Bicol, Visayas at Mindanao regions dahil sa tropical fepression Agaton, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Sinabi ng PCG na 2,066 rolling cargoes, 51 vessels, at isang motorbanca ang stranded din sa Bicol, Eastern Visayas, Northeastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas regions mula alas-12:00 ng madaling araw hanggang kaninang alas-4:00 ng umaga.
Samantala, mayroon namang 73 iba pang vessels at 26 motorbancas ang sumilong dahil sa hagupit ng bagyong Agaton.
Karamihan sa mga stranded na mga tao o 3,736 ay nasa Bicol Region.
Sa naturang rehiyon, 731 rolling cargoes at pitong barko naman ang stranded, at pitong iba pang vessels ang sumilong dahil sa bagyo.