-- Advertisements --

NAGA CITY – Humigit kumulang sa 80 mga kasangkapan sa pagawa ng pampasabog ang nakumpiska ng pulisya sa isang raid sa Barangay Sta Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na nagsagawa ng search warrant operation ang pulisya laban sa suspek na si Rodolfo Maligat ngunit hindi ito naabutan sa bahay.

Sa kanilang paghahalughog sa bahay ni Maligat, kanilang nakita ang nasa 80 mga kagamitan ng suspek sa pagawa ng pampasabog.

Sa ngayon, patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek para sa kasong pwedeng kaharapin nito.

Si Maligat ang sinasabing leader umano at financier ng Maligat Group na sangkot sa mga illegal mining activities na nag-oopera sa kabundukang sakop ng naturang byan.