-- Advertisements --
image 217

Natuwa ang maraming motorista sa kasalukuyanh ipinatutupad na motorcycle lane sa Commonwealth Avenue.

Layunin nito na mabawasan ang porsyento ng aksidente kaugnay ng mga motorsiklo.

Nitong kamakailan lang ay binisita nina MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang exclusive motorcycle lane kasama si 1-Rider Partylist Rep. Bonifacio Bosita.

Ayon sa pahayag ng dalawang opisyal, may ilan parin raw na hindi sumusunod sa nasabing eksklusibong lane para sa mga motorsiklo lalo na kung gabi at wala nang mga enforcers.

Base sa road crash statistics sa kahabaan ng Commonwealth Ave, nasa 473 motorsiklo ang nasangkot sa aksidente mula Enero hanggang Marso ngayong taon.

Kung matatandaa, nasa 473 na motorsiklo sa kahabaan ng Commonwealth ang nasasangkot sa aksidente mula noong Enero hanggang Marso ayon sa datos ng road crash statistics.

Paalala naman ng dalawang opisyal na mismong ang mga rider raw at dapat na proteksyunan ang kanilang linya mula sa mga four-wheeled vehicle upang maiwasan na rin ang aksidente.