Maaaring asahan ng mga residente ng Metro Manila na makakita ng isang sasakyang panghimpapawid ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na lumilipad sa mababang altitude mula noong Pebrero 5 hanggang 14.
Ito ay para sa air quality research sa metropolis at sa mga nakapaligid na rehiyon nito.
Nauna rito, inihayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Maria Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga na magiging bahagi ang Pilipinas ng international collaboration sa NASA para pag-aralan at tugunan ang air quality issues sa Asian region.
Sa isang media advisory, sinabi ng NASA na pinaplano nitong magsagawa ng apat na research flight sa Manila urban area gamit ang DC-8 aircraft nito.
Ang lahat ng mga flyover ay isinasagawa sa isang ligtas na altitude nang walang pinsala sa publiko, wildlife, o imprastraktura.
Samantala, pinayuhan ng NASA ang sinumang sensitibo sa malalakas na ingay na mag-ingat sa flyover window dahil sa lakas ng sasakyang panghimpapawid.
Sinabi ng NASA na ang kanilang Douglas DC-8 aircraft, na lilipad sa Metro Manila sa mababang altitude, ay lubos na binago bilang isang flying science laboratory.