Pabalik na sa daigdig mula sa International Space Station ang dalawang Russian cosmonauts at NASA astornauts.
Nagtungo ang grupo lulan ng Soyuz spacecraft isang linggo bago nagdeklara ang World Health Organization ng COVID-19 pandemic noong Marso.
Binubuo ito na nina Chris Cassidy, Anatoly Ivanishin at Ivan Vagner.
Mamamaalam muna ang mga ito kina NASA astronaut Kate Rubins at Russian cosmonauts Ryzhikov at Sergey Kud-Sverchkov na dumating sa ISS noong nakaraang linggo.
Pagkalapag nila sa ibabaw ng mundo ay susunduin sila ng helicopter at dadalhin ang mga ito sa recovery staging site sa Karaganda, Kazakhstan.
Babalik si Cassidy sa Houston lulan ng NASA plane habang ang mga Russian cosmonaut ay sasakay sa Gagarin Cosmonaut Training Center aircraft flight patungo sa Star City, Russia.
Umabot sa 196 na araw ang pananatili ng tatlo sa kalawakan kung saan nakumpleto nila ang 3,136 orbits sa mundo na may layong 83 million miles.