-- Advertisements --

Nakabalik sa Earth ang isang NASA astronaut kasama ang dalawang cosmonauts mula sa International Space Station (ISS).

Lulan ng Russian Soyuz MS-18 spacecraft ay muli nang nakatuntong sa planetang Earth ang astronaut na si Vande Hei at mga cosmonauts na sina Anton Shkaplerov at Pyotr Dubrov matapos ang isang record-breaking na 355 days na kanilang ginugol sa outerspace.

Dakong alas-7:28 ng umaga kahapon nang makarating sa Kazakhstan ang mga ito matapos mag-landing sa pamamagitan ng parachute.

Matapos na sumailalim ang mga ito sa health check up, nakatakdang magbalik si Vande Hei sa Houston sakay ng Gulfstream jet, tulad ng una nang ginawa ng isa pang NASA astronaut noon, habang sa training base naman sa Star City, Russia magbabalik ang mga cosmonauts na kasama nito.

Samantala, ang naturang pagdating ng mga astronaut ay matagal nang inaasahan na higit lamang na pumukaw ng atensyon dahil pa rin sa tumintinding geopolitical tension sa nakalipas na mga araw sa pagitan ng Russia at Ukriane.

Sina Vande Hei at Dubrov ay ipinadala sa space station noong April 2021, magkasamang nakakumpleto ng 5,680 orbits ng Earth at naglakbay ng nasa mahigit 150 million miles sa paligid ng planeta.

Sa kasalukuyan ay nahigitan pa ni Vande Hei ang naunang record ng isang American astronaut na si Kelly na tumagal sa outerspace sa loob ng 340 days.