-- Advertisements --

Ipinakita ng dalawang NASA astornaut na sina Robert Behnken and Douglas Hurley ang mga gamit na dinala nila mula sa mundo patungong kalawakan.

Isa dito ay ang photo mossaic na may larawan ng mga 2020 graduates na isinumite sa NASA mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Kasama nila pagpapakita ng nasabing photo mossaic ay si NASA astronaut Chris Cassidy crew sa International Space Station.

Magugunitang nitong linggo ng matagumpay na nakarating sa International Space Station ang dalawang astronaut lulan ng SpaceX Crew Dragon spacecraft na gawa ng bilyonaryong si Elon Musk.

Ito na ang unang pagkakataon na gumamit ang NASA ng pribadong rockets sa International Space Station at ang unang pagkakataon mula ng magretiro ang Space Shuttle noong 2011.