-- Advertisements --

HOUSTON, Texas – Dumistansya ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa kaso ng isa sa kanilang mga astronaut na inaakusahan ng identity theft na nangyari umano sa kalawakan.

Nakabase kasi si Anne McClain sa international space station, nang akusahan ito ng kaniyang dating partner na si Summer Worden, na nag-access daw sa bank account nito.

Ang kakatwa sa pangyayari ay gumamit umano ang astronaut ng pasilidad na nakarehistro sa NASA, kaya natukoy ni Worden ang pangyayari.

Maliban dito, dinirinig din ngayon ang isyu ng kostudiya para sa kanilang anak.

Para sa NASA, pribadong usapin ito ni McClain, at kung nasa korte na ang kaso ay hindi na sila makikialam. (CBS)