-- Advertisements --
Nakatakdang lumipad patungong ibang planeta ang maliit na helicopter na ginawa ng NASA.
Ang Ingenuity helicopter ay unang nakabiyahe na sa Mars ng ito ay isinakay sa Perseverance rover noon Pebrero at ito ay muling magtutungo sa Mars ngayong Abril 20, oras sa Pilipinas.
Mayroong bigat ito na 1.8 kilogram at umabot ito ng anim.
Ito ay binuo at ginastusan ng $85 milyon.
Ayon kay Mimi Aung ang Ingenuity project manager, ito ang unang attempt gaya ng rocket launch at ginagawa nila ang kanilang makakaya para ito ay magtagumpay.
Nauna nang binalak na paliparin ang helicopter noong Abril 11 subalit nagkaroon ng aberya kaya kanila itong ipinagpaliban.