Hindi magandang balita ang sasalubong para sa mga motorista sa susunod na linggo.
Nagbabadya kasi ang malakihang oil price hike sa Martes.
Ayon sa mga oil companies, ang gasolina ang mayroong pinakamalaking umento na papalo sa P3.00 hanggang P3.50 kada litro.
Malaki rin ang dagdaga sa presyo ng kada litro ng kerosene na P2.40 hanggang P2.90.
Ang produktong diesel ang mayroong pinakamababang rollback pero nasa P2.20 hanggang P2.70 pa rin ang dagdag sa kada litro.
Karaniwang inaanunisyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at inaanunsiyo sa araw ng Martes.
Base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw mula Enero 16 hanggang 19, maaaring tumaas ng P1.80 hanggang P2.00 ang presyo kada litro ng diesel.
Habang ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P2.40 hanggang P2.60 kada litro.
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes na ipapatupad naman sa araw ng Martes.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na tumaas ang presyo ng langis.
Paliwanag ng Department of Energy (DoE), ang panibagong oil price hike ay dahil sa tumataas na demand ng langis sa China na nagluwag na ng kanilang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic protocols at sa gitna ng pangamba sa global recession at bunsodnna rin ng mataas na imbentaryo ng langis sa Estados Unidos.