-- Advertisements --

Hindi pa rin tumitigil sa paglipad ang Ingenuity helicopter ng NASA habang ito ay nasa Mars.

Sa inisyal na pagtaya kasi ng NASA ay lilipad lamang ito ng limang beses subalit nakumpleto na nito ang 12 flights at hindi pa ito handang magretiro.

Ang maliit na helicopter ay naging regular travel companion na ng rover Perseverance na ang target nilang mission ay makakita ng buhay sa Mars.

Sinabi ni Josh Ravich ang namumuno ng Ingenuity mechanical engineering na tuloy-tuloy ang paglipad ng nasabing helicopter.

Magugunitang unang lumipad ang Ingenuity noong Abril 9 na siyang nakapagtala ng kasaysayan na unang motorized craft na makalipad sa ibang planeta.

Noong Mayo ay lumipad ang Ingenuity ng one-way mission na matagumpay na lumapag ito sa flat “airfield”.